Entrepreneurship
I. Big Panimula
A. Panukalang Pahayag:
*Entrepreneurship ang pinakamagandang major ngayon kung nais ng mga estudyante ng komersiyo na umunlad ang kanilang pamumuhay.
B. Introduksyon / Paglalahad ng Suliranin:
*Ang paksa ng pananaliksik na ito ay entrepreneurship bilang pinakamagandang major para sa estudyante ng komersiyo upang umunlad ang kanilang buhay. Ang entrepreneur ay isang indibidwal na nais magtatag ng isang negosyo para lumago at kumita.
*Ang suliranin na maaaring masagot ng pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:
1. Bakit marami ang gustong kumuha ng entrepreneurship bilang kanilang major sa kolehiyo?
2. Anong meron ang entrepreneurship na wala ang ibang major?
3. Ano ang bentahe at disbentahe ng major na entrepreneurship?
4. Ano ang magandang klase ng negosyo na siguradong papatok at kikita ng malaki?
*Ang pananaliksik na ito ay nagsisilbing gabay sa mga estudyante ng ust komersiyo na nagbabalak kumuha ng entrepreneurship bilang kanilang major sa kolehiyo. Sa pananaliksik na ito malalaman kung anu-ano ang mga karanasan na maaari nilang makamit sa pagtayo ng sariling negosyo.
C. Rebyu / Pag-aaral:
*Entrepreneurship ni David A. Kirby
`nakasaad sa librong ito kung ano ang depinisyon at ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa entrepreneurship.
*http://en.wikipedia.org/wiki/entrepreneurship
`batay sa website na ito ang lahat ng tungkol sa entrepreneurship, isang halimbawa na ang kasaysayan nito at pribilhiyo ng pagkuha nito.
*http://pagkahapo.webs.com/kabanatai.htm
`ito ay isang gabay sa paggawa ng pananaliksik na ito.
D. Layunin:
*Pangkalahatan:
`Layunin ng pananaliksik na ito na ipakita ang importansya ng Entrepreneurship bilang isang major para sa mga estudyante ng komersiyo at mapatunayan na ito ang pinakamagandang major sa pamamagitan ng paglalahad ng mga bentahe nito kaysa sa ibang mga major. Layunin nito ang makatulong sa mga kabataan na nangangailangan ng karagdagang impormasyon tungkol sa Entrepreneurship.
*Tiyak:
`Layunin ng pananaliksik na ito na tukuyin ang positibo at negatibong epekto ng pagkuha ng entrepreneurship bilang major ng mga estudyante ng UST komersiyo sa ating bansa at kung ano ang kontribusyon nito sa pag-unlad ng ating bansa. Layunin din nitong makatulong na maiugnay ang estudyante bilang bahagi ng pagbabago ng bansa. Ninanais din ng pananaliksik na ito na makatulong sa iba't ibang estudyante na mayroon ding ganitong klaseng pananaliksik.
E. Halaga:
*Ang Entrepreneurship ang nararapat nilang kunin na major dahil marami itong naibibigay na bentahe sa mga estudyanteng kukuha ng major na ito. Sobrang laking tulong na ito sa mga nagbabalak na magtayo ng kanilang negosyo. Sa major na ito, itinuturo ang mga paraan upang paano ang tamang pamamalakad ng kanilang negosyo, sa ibang kurso kasi, iba ang pinag-aaralan, di sila nakapokus sa pamamalakad. Ito ay advisable sa mga gustong magtayo ng sarili nilang negosyo.
*Kailangan parin bigyan ng tulong ang mga kabataang may sarili nang negosyo dahil hindi naman nila alam lahat ng istilo sa tamang pamamalakad at paglago ng isang negosyo. Kung kumuha sila ng Entrepreneurship bilang major kahit na dati pa sila may negosyo, magsisilbing gabay ang asignaturang ito upang magkaroon ng karagdagang kaalaman tungkol sa negosyo nila at makakuha pa ng maraming tekniks sa paghawak ng kanilang negosyo.
F. Konseptwal na Balangkas:
G. Metodolohiya:
*Ang mga mananaliksik ay nag library hopping, nag-interbyu, at nag-sarbey upang matapos ang pananaliksik na ito.
H. Saklaw o Delimitasyon:
*Sa pananaliksik na ito ukol sa mga estudyante kukuha ng entrepreneurship bilang kanilang major, nililimitahan ang pananaliksik na ito sa kolehiyo ng komersiyo sa UST na nasa una at ikalawang baitang ng 2008-2009 na nasa mga panahon ng pagbubuo ng desisyon na kung anong major ang kanilang kukunin, at mula sa mga estudyanteng ito makukuha ay mga impormasyong makakatulong sa nasabing pananaliksik. Inabot ng dalawang araw ang pamimigay at pangongolekta ng mga datos mula sa mga nakuhang sagot mula sa mga respondante.
I. Daloy ng Pag-aaral:
*Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maipapakita ang kahalagahan ng entrepreneurship sa buhay ng mga estudyanteng nagbabalak kumuha nito bilang kanilang major, ipinapakita rin dito na ang entrepreneurship ang pinakamagandang major na dapat kunin ng mga estudyante na gustong umunlad ang kanilang pamumuhay.
*Sa unang kabanata ng pananaliksik na ito ay mailalahad ang nabuong panukalang pahayag, doon magsisimula at iikot ang pananaliksik, sa unang kabanata din makikita ang mga suliranin na puwedeng maengkwentro habang at pagkatapos magawa ang naturang pananaliksik. Dito rin makikita ang libro at website na pinuntahan ng mga mananaliksik upang makatulong sa kanilang pag-aaral, dito din nakalagay ang mga layunin o mga dapat magawa, matapos, o mapatunayan gamit ang mga datos na nakalap.
*Sa ikalawang kabanata naman nakasaad ang mga ginawang paraan ng pagpapakilala ng paksa, ang nakaraan nito, kung saan at paano nakilala ang entrepreneurship dito sa pilipinas. Nilalaman din nito ang iba pang datos na nasagap habang nanaliksik.
*Sa huling kabanata nakalagay ang mga natutunan at mga rekomendasyon para sa mga estudyante ng UST komesiyo.
II. Big Katawan
A. Small Panimula:
*Entrepreneurship ay ang pagsasanay ng pagsimula ng bagong organisasyon at lalo na sa bagong mga negosyo sa pangkalahatan bilang tugon sa kinilalang pagkakataon. Entrepreneurship ay madalas na isang mahirap na gawain, tulad ng karamihan sa mga bagong negosyong mabibigo. Entrepreneurship ay saklaw sa iskala mula sa solong proyekto (kahit na kinasasangkutan ng mga negosyante lamang na part-time) sa mga malalaking undertakings sa paglikha ng maraming mga pagkakataon sa trabaho.
* Ang kasaysayan ng entrepreneurship ay nagsimula noong 1950's nang mamulat ang mga tao na magsimulang magbabalangkas ng mga bagong ideya para sa mga trabaho o negosyo na pangsarili. Kapag ang hakbang ng pagbabalangkas ng ideya ay naging matagumpay, gagawa sila ng paraan upang maihalintulad sa katotohanan ang kanilang mga ideya. Nagsimula itong lumago sa ekonomiya ng iba’t ibang bansa at lumikha ng kumpetisyon sa kahusayan sa pagtatag ng kumpanya. Habang tumatagal at sa pagkalikha ng Internet, ang entrepreneurship ay naging isa sa mga pinakamalaking paraan para magtagumpay.
B. Small Katawan:
III. Big Pangwakas
A. Small Pangwakas:
B. Konklusyon:
*Ang entrepreneurship ang pinaka magandang major kung ninanais niyong maging madali ang inyong pag-unlad, hindi lamang ang buhay ng mananaliksik nito pati narin ang buhay ng mga mambabasa nito sapagkat sa pamamagitan ng entrepreneurship maaalalayan ka agad nito tungo sa pagbuo ng maayos at masayang pamamalakad sa iyong napiling negosyo.
C. Rekomendasyon:
*Iminumungkahi ng mga mananaliksik na ito na kunin niyo ang entrepreneurship bilang ang inyong major sa kadahilanan na sumusunod:
`magkakaroon kayo ng sariling oportunidad upang makapagbuo at makapagpatakbo ng sarili niyong negosyo sa ano mang paraan na gustuhin niyo. `kung ikaw ay isang estudyante, habang maaga pa, ay matututo ka nang humawak ng negosyo at magpalakad nito. `mararamdaman mo ang realidad na mahirap kumita ng pera kahit estudyante pa lang, matututo kang magtipid dahil alam mo na, na hindi madaling kitain ang pera.
`may matututunan kang karanasan habang ginagampanan mo ang negosyo mo.
`ikaw ang namamahala, ikaw ang nakakataas. `magkakaroon ka ng kakayahan na magbigay ng panibagong produkto, kakayahang mag-isip ng negosyong orihinal. `maraming oras. ikaw ang nag-aayos sa "schedule" mo. `ang perang kinikita mo ay sayo lang napupunta.
*marami pang ibang dahilan kung bakit maganda ang entrepreneurship bilang major, kaya inirerekomenda ito ng mga mananaliksik sa kanilang mambabasa.
--> made by: Kaye, Joyce and Nati. :)